OPINION COLUMN: Isyu ng Bansa, may Solusyon na? (isipin mo!)

Alam mo na ba? Siguro naman alam mo na. Matalino ka diba? Share ko lang pero ayon sa isang pananaliksik, napatunayan na ang COVID-19 ay kikitil ng higit sa dalawampung-libong Pilipino at magtatapos lamang ito sa susunod na dalawang buwan. Ngunit bago maglaho ng tuluyan ang salot na virus na ito ay kailangan mo munang kumain ng maraming saging o kahit anong makapagpapalakas gaya ng paglaklak ng multi-vitamins. Siyempre naman kapag mayroong mapagtatagumpayan ay kailangan munang magsakripisyo. Hmmm. Ialay kaya natin ang mga politiko na nagpasok sa atin sa kulungang ito? Alam ko namang mahirap gawin iyan, mahirap kasing puksain ang masamang damo. Hindi din natin sila mareach, kasi nga VIP sila. Pero hindi lahat, yung iba panalo – sa ‘hide and seek’, ang gagaling. Ano ba? Nakapanlulumo! Ang hirap ng kalagayang ito, siguro kailangan ko ng special power. Samahan niyo ako, hingi tayo sa senado. Hey papi, let’s GO!

PAALALA! Kung nais mo ang KATOTOHANAN ay kailangan mong magpatuloy sa pagbabasa.

dwrite

Sandali lang, ang sakit ng tenga ko. Ang ingay kasi sa Social Media. May mask bang pantakip ng tenga? Teka teka. Speaking of mask, may kwento ako! Galing ako kanina sa botika. Inirapan pa ako ni ate, naubo kasi ako sa harap niya. Kasalanan ko ba, wala na ako mabilihan ng facemask? Aha! Mayroon nga pala sa facebook, pero yung presyo pwedeng pang-ulam ng isang-linggo. Kahit alcohol nagkaubusan. Dear hoarders, andami niyo napamili kaya sana safe kayo sa pag-imbak ng sobrang produkto! Grrr. Hindi niyo ba naisip na mas kailangan ng mga frontliners yan! Saglit lang! Sino-sino ba sila? Kasali ba sina kayetano ba yun? Ewan ko ba kung sino yun, basta just stay at home, pumasok sila para sa atin. Pero, wala bang libreng delata diyan mayor? Pampalubag loob lang sa pagkagigil ko sa online class na ito. Ay teka delete natin, suspended na pala online classes pero siyempre may ipapasa sa pasukan. Baka naman ‘surepass’ na yan? Trivia lang, pero pwede na daw maging doctor kahit walang board exam. Baka naman pwede na pumasa kahit nagtitik-tok lang? Sige lang, sabay lang sa uso. Fight your boredom kaysa naman fight against the authority. Yung ipaglalaban mo yung right to travel mo kahit may Enhanced Community Quarantine. Pero okay lang kung ang gusto mo namang destinasyon ay sa kabilang mundo. Literal na iba ang trip! Ayaw mo sumama? Then stay at home! Ang dali lang naman diba?

Saglit, saglit! Huli na ito! Fun Fact, promise nakakatawa ito. Sa Pilipinas, ewan ko ba kung saan yun basta magagaling daw tao dun, solusyong militar nga daw ang ginamit para labanan yung nakakamatay na COVID-19. Sabagay, nakakamatay nga yung kalaban kaya kailangan ng baril at bala, “shoot them dead” ika nga. Dimo naisip yun diba? Ewan ko nga e, kung ano-ano na naiisip ko. Naiisip ko nga habang nagsusulat nito na kaya natin malampasan ang problemang ito. Teka, lalampasan lang ang sinabi ko ha! Hindi kasi ako sigurado kung mapagtatagumpayan natin. Eh ikaw, iniisip mo din ba? Naisip mo ba na lahat ng sinabi ko ay hindi ko alam? Ewan ko ba, basta sinulat ko lang kung ano unang lumabas sa diwa ko. Pero alam kong nabasa mo naman lahata. Teka, teka! Huwag mo i-share! Check mo muna ng mabuti. Baka nga Fake-news lang din ito? Isipin mo!

Never settle for anything believable. Always seek for the truth, because that’s what matters

Dwrite
Isang munting paalala para sa mas responsableng paggamit ng Social Media at
upang maiwasan ang paglaganap ng epidemyang FAKE NEWS!